Pinirmahan na ng ilang ahensiya ng gobyerno ang implementing guidelines para sa safety seal certification ng mga business establishment at government offices sa minimum public health standard ngayong panahon ng pandemic.
Ang naturang guidelines ay pirmado ng Department of Labor and Employment, Department Of Health, Department of Interior and Local Government, Tourism Department, Department of Trade and Industry.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang safetyu seal certification ay mapapalakas ang kumpiyansa ng publiko na mahigpit na ipinapatupad ng mga establisyimento ang health protocols lalo ngayong pandemic.
Dahil dito, matitiyak ng mga establisyimento ang kanilang mga customers.
Bukod dito, gagamit rin aniya ang mga establisyimento ng staysafe digital contact tracing applications para mapaigting ang contact tracing ng gobyerno.