Nagpalabas ng mga bagong testing at quarantine protocols ang IATF para sa mga pasaherong dumarating sa Pilipinas mula sa mga bansang nasa green at yellow list.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, epektibo ngayong araw na ito, Oktubre 8 ang mga fully vaccinated individuals mula sa green o yellow list countries ay sasailalim sa facility based quarantine hanggang maipalabas ang negative RT-PCR testing result sa ika limang araw, pag home quarantine hanggang ika sampung araw.
Bukod pa ito sa mahigpit na pag monitor ng Bureau of Quarantine sa mga sintomas habang nasa facility ang nasabing indibidwal at ang mga dayuhan ay oobligahing mag secure ng sariling pre-booked accommodation ng hanggang anim na araw.
Sinabi ni Roque na pareho rin ang mga naturang protocol na ipatutupad sa mga unvaccinated individuals o hindi pa malinaw ang vaccination status maliban na sa facility based quarantine ang mga ito hanggang maipalabas ang negative RT-PCR testing na ginawa sa ika pitong araw. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)