Naglabas ng guidelines o panuntunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa selebrasyon ng Ash Wednesday ngayong taon na matatapat sa Pebrero 17.
Maliban pa ito sa naunang ipinalabas na pagbabago para sa ash Wednesday ng congregation on divine worship noong nakaraang taon kung saan maaaring gamitin ang abo mula sa mga tuyong dahon at o halaman.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy at Baguio Bishop Victor Bendico, kanilang inirekomenda na bigyan ng binasbasang abo ang mga personal na makadadalo sa misa sa ash wednesday at maiuwi sa kanilang bahay.
Maaari naman aniyang gamitin ito sa mga miyembro ng pamilya na hindi naman makadadalo ng personal sa misa bunsod na rin ng ipinatutupad na limitasyon ng IATF sa kapasidad sa mga simbahan.
Sinabi ni Bendico, magbibigay naman ng guide ang CBCP para sa family prayer at paglalagay ng abo.
Magugunitang noong nakaraang taon, ipinatupad ng simbahan ang pagbubudbod sa ulo ng abo sa halip na pagpapahid sa noo ng isang mananampalataya.