Naglabas na ng kautusan si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa paggamit ng mga paputok at iba pang uri ng pyrotechnic devices para sa ligtas na pagsalubong sa bagong taon.
Batay sa apat na pahinang Executive Order 58, ang lahat ng uri ng mga paputok at pyrotechnics ay dapat ilaan lamang sa tamang lugar sa bawat komunidad na may kaukulang permiso mula sa Bureau of Permits.
Papayagan lamang ang pagsisindi ng baby rocket, bawang, maliit na trianggulo, el diablo, sinturon ni hudas, kwitis at lahat ng may limitado lamang na pulbura.
Pwede rin ang pyrotechnic devices, gaya ng sparklers, luces, jumbo, regular at special fountain, roman candle, trompillo, whistle device, butterfly at iba pang uri ng “pa-ilaw”.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang paggamit, paggawa, pagbebenta at distribusyon ng iba pang uri ng paputok at pyrotechnic devises, tulad ng super lolo, lolo thunder, five star, og, pla-pla;
Pillbox, watusi, piccolo, giant whistle bomb, super bawang, goodbye philippines, goodbye earth, bin laden, coke in can at iba pang magdudulot ng panganib sa buhay at mga ari-arian.