Nagsanib puwersa na ang Philippine National Police (PNP) gayundin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ito’y sa pagbalangkas ng panuntunan ng PNP at PDEA upang maiwasan na ang pagkakaroon ng misencounter sa tuwing magsasabay sila sa operasyon.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, nag-usap na sila nitong weekend ni PDEA Dir/Gen. Wilkin Villanueva hinggil sa muntik nang engkuwentro na naman ng kanilang mga tauhan nitong Biyernes.
Tinalakay doon kung paano mapagbubuti ang kanilang ugnayan at pagtutulungan kaya naman nabuo ang pasya na magkaroon ng guidelines kung saan, dapat ideklara ang partikular na lugar ng operasyon lalo na sa mga malalaking lungsod.
Paliwanag ni Eleazar, sinasamantala ng mga sindikato ang gap sa rules of procedure sa inter-operations ng PNP and at PDEA.
Kaya’t mahalaga ang pagkakaroon ng iisang panuntunan ang dalawang law enforcement agencies upang maiwasang mabulilyaso ang kanilang operasyon. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)