Niluwagan na ang mga panuntunan sa pag-quarantine ng mga bibiyahe sa pilipinas mula sa “green country” o mababang kaso ng COVID-19 kahit fully vaccinated.
Kabilang sa mga listahan ng bansa na nasa green country ay ang American Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Republic of the Congo, Djibouti at iba pa.
Ipinabatid ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kinakailangan na lamang magpakita ng negatibong resulta ng kanilang RT-PCR test na kinuhaan sa loob ng 72 hrs. bago ang kanilang byahe.
Bukod dito, kapag naipakita ng mga ito ang patunay na sila ay fully vaccinated na, maaari na silang mag home quarantine ng 14 na araw sa halip na sa mga quarantine facility.
Samantala, ang mga hindi makasusunod sa nabanggit na mga patakaran ay kailangan pa ring sumailalim sa mandatory quarantine sa mga pasilidad.