Nakatakdang magpalabas ng advisory ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kaugnay ng tamang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan na ang mga pamunuan ng Department of Health, Department of Trade and Industry Department of Labor and Employment at iba pang mga kinauukulang ahensya na mag-isyu ng consolidated public advisory ukol dito.
Matatandaang ipinag-utos ng IATF na gawin nang mandatory ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng mga lalabas ng bahay bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.