Muling nanawagan si Interior Secretary Ismael Sueno sa mga local government units o LGUs na magtakda ng mga alituntunin sa pagbebenta, paggawa, pag-distribute o paggamit ng mga paputok at pyrotechnics.
Ayon kay Darwin David, Provincial Director ng DILG sa Bulacan, sa pamamagitan ng isang memorandum circular ni Sueno ay pinaalalahanan nito ang mga LGUs hinggil sa kanilang kapangyarihan na gumawa ng mga regulasyon upang maiwasan ang anumang trahedya.
Nais ng DILG na makipag-coordinate ang mga LGUs sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection, at iba pang ahensya sa pagre-regulate ng fireworks industry at pagpapatupad ng advocacy campaigns at preventive measures laban sa anumang panganib na dala ng paputok o fireworks.
Giit ni Sueno, mahalagang ipaalala sa publiko ang peligrong dulot ng mga paputok at gayundin ng polyvinyl chloride pipe o ‘boga’ at lalo na ang baril.
By Jelbert Perdez