Kapwa tikom ang bibig ng Public Attorneys Office o PAO at Volunteers Against Crime and Corruption o VACC sa kung ano ang pinagpulungan nila kasama ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dante Jimenez na naging kinatawan ng VACC, ipinauubaya na nila sa Malacañang ang pagpapahayag kung ano ang mga napagkasunduan at naging direktiba sa kanila ng Pangulo hinggil sa kontrobersyang dulot ng bakunang Dengvaxia.
Wala aniyang naging direktiba ang Pangulo sa PAO na itigil ang ginagawa nilang pag-awtopsiya sa mga batang namatay na hinihinalang konektado sa Dengvaxia.
Sa panig ni PAO Chief Persida Acosta, nagpasalamat aniya ang Pangulong Duterte sa lahat ng mga tumutulong sa mga nagkakasakit dahil sa Dengvaxia.
—-