Hinikayat ng PAO o Public Attorney’s Office ang publiko na walang kakayanang kumuha ng private lawyer na dumulog sa kanilang tanggapan.
Ayon kay PAO Chief Atty. Percida Acosta, bukas ang kanilang tanggapan sa lahat ng mamayang Pilipino na mayroong legal na problema upang mabigyan nila ng ayuda.
Iginiit ni Acosta na wala silang pinipiling kaso dahil lahat ay kaya nilang ipaglaban basta’t nasa katuwiran lamang.
Ginawa ni Acosta ang pahayag kasunod na rin ng naipanalo nilang kaso na may kaugnayan sa illegal drug charges na kinakaharap ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at chinese interpreter na si Yan Yi Shou.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo