Nanindigan si Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta na hindi dapat gamitin ang Dengvaxia sa bansa dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan, lalo sa mga bata.
Ayon kay Attorney Acosta, dapat ay bumili na lamang ang gobyerno ng mga subok na bakuna kontra dengue sa halip na mag-procure ng mga experimental drug, gaya ng Dengvaxia.
Sa kabila nito, kinuwestyon naman ni Iloilo Province 1st District Rep. at dating DOH Secretary Janet Garin ang mga akusasyon ni Acosta.
Aminado si Garin na nagtataka siya kung bakit pilit kinukwestyon ni Acosta ang kredibilidad ng Dengvaxia gayong ginagamit naman ito sa ibang bansa.