Isinangkot ng isang abogado sa korupsyon sina PAO Chief Persida Acosta at PAO Forensic Investigator Dr. Erwin Erfe.
Ayon kay Atty. Wilfredo Garrido, ibinulsa nina Acosta at Erfe ang 13 million pesos na pondo para sa office supplies na ginagamit sa pagda draft ng Dengvaxia cases gayung ang mga supplies na ito ay sobra sobra o overstock.
Kabilang dito aniya ang mga long bond papers, markers, ink cartridges at stamp pad inks.
Sinabi ni Garrido na nakipag sabwatan sina Acosta at Erfe sa iba pang opisyal ng PAO na sina Lira Hosea Suangco at Maverick Sales at OIC for finance ng PAO na si Alma Latosa.
Mahigpit namang itinanggi ni Acosta ang nasabing reklamo at kakasuhan niya ang nasa likod ng naturang usapin.