Umapela si Health Secretary Francisco Duque, III kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na magpabakuna na laban sa COVID-19.
Inihayagni Duque na dapat ikunsidera ni Acosta ang dagdag-proteksyon sa pamamagitan ng vaccination lalo’t mayroon itong commorbidity bukod pa sa malapit ng maging senior citizen.
Aminado ang kalihim na hindi nila nais na malagay sa peligrosong sitwasyon ang kalusugan ng PAO Chief sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Una nang inamin ni Acosta na hindi pa siya nagpapabakuna dahil kanyang hinihintay ang isang protein-based vaccine bunsod ng kanyang hypertension at allergic reactions.