Iginiit ni Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta na may kaugnayan ang kamayatan ng nasa 60 kabataan sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Ito ang tugon ni Acosta sa pahayag nina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Health Secretary Janette Garin na wala namang kaugnayan ang bakuna sa pagkamatay ng mga batang tinurukan nito.
Ayon sa PAO Chief, isinailalim naman sa eksaminasyon ang mga Dengvaxia casualty kung saan napag-alaman na ang anti-dengue vaccine ang sanhi ng kanilang kamatayan.
Inamin na rin anya ng Sanofi Pasteur na manufacturer ng Dengvaxia noong December 2016 na mayroon itong side effects tulad ng pagkakaroon ng severe dengue sa mga hindi pa nagkakasakit.