Hinimok ni Public Attorney’s Office Chief, Atty. Percida Acosta ang management ng Resorts World Manila na maglaan ng mas maayos na financial assistance sa pamilya ng mga biktima ng pamamaril noong Hunyo 2.
Una ng naglaan ng Isang Milyong Piso ang Resorts World Manila sa bawat pamilya ng mga nasawing biktima bilang tulong.
Kinuwestyon din ni Acosta ang pagbabalik operasyon ng naturang hotel-casino gayong nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Ang pagbibigay anya ng financial assistance ay hindi nangangahulugan na nabigyan na ng katarungan ng pamunuan ng Resorts World ang mga biktima.
Samantala, hinihintay pa ni Acosta ang incident report ng pulisya at Bureau of Fire Protection.
By: Drew Nacino
PAO Chief Acosta kinuwestyon ang balik operasyon ng RWM was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882