Nagpaliwanag si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida-Acosta kaugnay sa hindi niya pagpapabakuna sa gitna ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Acosta, bukod sa kanyang edad at health condition ay hinihintay niya ang pagdating ng protein-based vaccine batay narin sa ipinayo ng kanyang doktor.
Sinabi ni Acosta na walang katotohanan ang balitang hindi siya naniniwala sa bisa ng mga bakuna dahil sa katunayan ay kumpleto umano siya sa anti-cancer vaccines.
Dagdag pa ni Acosta na halos lahat ng mga miyembro ng kanyang pamilya ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Matatandaang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi man mandatory ang pagbabakuna, dapat paring sundin ni Acosta ang government regulations kaugnay sa limitadong galaw ng mga hindi bakunadong indibidwal. —sa panulat ni Angelica Doctolero