Nanindigan si Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta, na dapat nang mapakawalan ngayong araw si Lt. Col. Ferdinand Marcelino.
Ito ay matapos iutos ng Department of Justice (DOJ) ang pagbawi sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga na kinakaharap nito at ng Chinese asset nito.
Sinabi ni Acosta na hindi maaaring lumagpas ang araw na hindi nakalabas ng kulungan si marcelino dahil makakalabag ito sa batas.
Pinaburan ng DOJ ang naunang rekomendasyon ni senior deputy state prosecutor Teodore Villanueva na nagbasura sa kaso dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
By Katrina Valle | (With Report from Aya Yupangco)
PAO chief Acosta nanindigan na dapat nang palayain si Lt. Col. Ferdinand Marcelino was last modified: May 18th, 2017 by DWIZ 882