Posibleng sampahan ng kasong administratibo sa Ombudsman ang miyembro ng Philippine National Police o PNP kung ipipilit ng mga ito na hukayin ang labi ni Reynaldo alyas ‘Kulot’ De Guzman.
Ayon kay Acosta, naglabas na rin ng kautusan ang Malacañang na NBI o National Bureau of Investigation na ang hahawak sa kaso ni De Guzman kaya hindi na dapat makialam pa ang PNP.
Nagtataka aniya ang kanilang tanggapan kung bakit biglang kinuhaan ng PNP ng DNA sample ang bangkay ni Kulot at ang mga magulang nito gayong positively identified naman ito ng kanyang mga magulang, gayundin ng mga eksperto mula sa PAO at NBI.
Giit pa ni Acosta na natatapos sa loob ng dalawa hanggang apat na araw lamang.
Nauna nang inilabas ng PNP ang resulta ng kanilang DNA examination na nagsasabing hindi si Reynaldo de Guzman ang bangkay na natagpuang tadtad ng saksak sa Gapan, Nueva Ecija.
—-