Naghugas-kamay si Atty. Persida Acosta, hepe ng Public Attorney’s Office (PAO) sa di umano’y pagkatakot ng publiko sa bakuna.
Ang pagkatakot ng publiko sa bakuna ang sinisisi ng Department of Health (DOH) sa outbreak o pagkalat ng tigdas sa Metro Manila at ilang lugar sa Luzon.
Ayon kay Acosta, wala siyang pananagutan dahil ginawa lamang niya ang kanyang tungkulin.
Ang Department of Health aniya ang dapat magpaliwanag kung bumagsak ang bilang ng mga nagpapabakuna dahil sila ang may tungkuling magpalaganap ng bakuna.
“Ang measles virus kasalanan ng PAO, hindi po kasalanan ng PAO ‘yan, ang magbabakuna po ay hindi PAO dapat ang nagbakuna ng mga safe na vaccines ay ang DOH, isipin mo meron bang 3 million na measles vaccines silang binili? Wala, Dengvaxia ang binili nila kahit clinical trial pa lang, bakit hindi na lang sagutin ang issue? Sagutin nila kung bakit pare-pareho ang nangyari sa mga bata at namatay.” Pahayag ni Acosta
(Balitang Todong Lakas Interview)