Ginisa ni Senadora Leila de Lima si Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta dahil sa pagtulong nito sa mga preso ng Bilibid na tumetestigo sa ginaganap na pagdinig sa umano’y kalakalan ng iligal na droga roon.
Ayon kay De Lima, taliwas sa mandato ng PAO ang pagdalo sa mga nasabing pagdinig sa Kamara.
Tila, aniya, napababayaan na ang ibang tungkulin ng PAO tulad ng pagtulong sa mga akusadong walang pantustos sa abugado at ang pag-asiste sa Depatment of Justice.
Una nang nakatanggap ng impormasyon si De Lima na kinakapanayam umano ng ilang PAO lawyer ang mga testigo para i-rehearse ang mga ito.
Sa kanyang panig naman, sinabi ni Acosta na dumalo siya sa mga nasabing pagdinig ng Kamara dahil may imbitasyon umano siya mula sa Secretariat ng House Committee on Justice.
Pasado rin, aniya, sa indigency test ang ilang mga testigo na nangangahulugang wala silang kakayahang magbayad ng abugado kaya sila kinakatawan ngayon ng PAO.
By: Avee Devierte