Hinimatay si Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta ilang oras bago maghain ng motion for reconsideration sa kaso ni Philippine Military Academy cadet 1st class Aldrin Jeff Cudia.
Sa panayam ng DWIZ patrol, sinabi ni running priest Robert Reyes na mahalaga kay Acosta ang kaso ni Cudia dahil naaawa ito sa bata na nangarap na makapagtapos, subalit ayaw ibigay ng PMA ang school records nito.
Aniya, nahahabag si Acosta sa pamilya ni Cudia na bukod hindi na maaaring makapag-aral dahil sa hatol ng PMA at mataas na hukuman ay na-stroke pa ang ama nito.
“Masyado pong mataas yung emosyon dahil lahat po ng tinutulungan nya (Acosta) ay nagiging malapit sa kanya. Yung kaso po ni Aldrin ay masyadong masakit para sa pamilya nya, na-stroke yung tatay, naghihrap yung pamilya, si Aldrin ay kulang kulang na lang ay mawalan ng pag asa. Pero inaalalayan namin yung bata para hindi mawalan ng pag asa,” paliwanag ni Reyes.
By: Jelbert Perdez | Bert Mozo (Patrol 3)