Hindi umano dapat magkaroon ng diskriminasyon ang Local Government Units sa mga hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Ito ang apela ni Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta sa gitna ng implementasyon ng no vaccine, no ride policy ng Department of Transportation sa Metro Manila, simula ngayong araw.
Ayon kay Acosta, hindi dapat basta gumawa ng marahas na polisiya o ordinansa ang National Government at mga Local Government Unit.
Dapat anyang bigyang karapatan ang lahat, partikular ang mga unvaccinated na gumamit ng pampublikong transportasyon dahil wala namang batas hinggil sa mandatory vaccination.
Iginiit ni Acosta na isang paglabag sa karapatang-pantao ang no vaccine, no ride policy dahil may karapatan din ang lahat na ingatan ang kanilang sariling katawan sa sarili nilang paraan.