Duda ang PAO o Public Attorney’s Office sa resulta ng DNA test sa labing natagpuan sa Gapan, Nueva Ecija na una nang sinasabing si Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman.
Ayon kay PAO Chief Percida Rueda – Acosta, mismong ang mga magulang ni Kulot ang kumilala sa labi nito at base na rin sa litratong ibinigay ng kaniyang mga magulang, ang nasabing labi na natagpuan sa ilog sa Gapan ay si Kulot talaga.
Sinabi ni Acosta na ang reliability ng DNA test ay naka-depende sa reliability ng specimen.
Lumalabas sa comparative analysis ng PAO na ang labing natagpuan sa ilog sa gapan ay si Kulot.
Una nang ipinabatid ni Philippine National Police (PNP) Deputy Director General Fernando Mendez na ang swabs na kinuha mula sa mga magulang ni De Guzman ay hindi tumutugma sa DNA na nakuha mula sa labing narekober sa ilog sa Gapan.
Ulat ni Aya Yupangco
_____