Sang-ayon si Senate Committee on Health Chair JV Ejercito sa mungkahing kumuha ng ‘third party pathologist’ na siyang susuri sa labi ng mga batang nasawi na iniuugnay sa dengvaxia.
Ayon kay Ejercito, maganda itong hakbang dahil mawawala ang mga pagdududa sa mga nauna nang pagsusuri tulad ng ginawa ng Public Attorney’s Office o PAO gayundin ng mga ekperto mula sa University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP – PGH).
Nagmula mismo kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang suhestyon ng pagkuha ng third party pathologist ay na siya ding may mandato sa PAO.
Samantala, haharap na si PAO Chief Percida Acosta sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa dengvaxia.
Ito ay matapos i-subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee si Acosta kasama si PAO Forensic Laboratory Head Dr. Erwin Erfe dahil sa tatlong (3) beses na hindi pagpapakita sa mga naturang pagdinig.