Hiniling ng Public Attorney’s Office (PAO) na mailipat sa iisang korte sa Quezon City ang pagdinig sa lahat ng kasong may kaugnayan sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.
Sa kanilang inihaing petisyon sa Korte Suprema, iginiit ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na mas mabilis ang pag-usad sa mga nasabing kaso kung ililipat ang pagdinig nito sa iisang venue.
Dagdag ni Acosta, posibleng maging magkakaiba rin aniya ang desisyon sa mga kaso dahil magkakahiwalay itong isinampa sa iba’t ibang korte.
Umaasa naman ang PAO na didinggin ng Korte Suprema ang kanilang kahilingan at mag-aatas ito ng special court na lilitis sa lahat ng kasong may kaugnayan sa Dengvaxia.
Magugunitang isinampa sa iba’t ibang korte ang mga isinampang kaso hinggil sa Dengvaxia dahil mula sa magkakahiwalay na lugar ang mga umano’y biktima ng kontrobersiyal na bakuna.
—-