Naghahasik lamang ng takot at alarma ang Public Attorney’s Office o PAO sa pamamagitan nang pages-sensationalize sa dengvaxia controversy.
Binigyang diin ito ni dating Health Secretary Esperanza Cabral kasabay ang paglilinaw na hindi pinatitigil ng grupo nilang Doctors for Public Welfare ang pag-otopsiya sa mga umano’y dengvaxia victim.
Sinabi ni Cabral na nais lamang nilang ibang ahensya ang magsagawa ng autopsy sa halip na ang PAO.
Wala naman aniyang mapapatunayan sa pamamagitan ng physical examination at pag-aalis ng internal organs ng mga namatay nang tao.
Ayon pa kay Cabral, dapat na pinag-iisipan ang mas malaking implikasyon ng anumang hakbangin kaugnay sa naturang kontrobersya na kailangang pag-usapan sa aniya’y level headed scientific manner.
Matatandaang sinopla ni PAO Chief Persida Acosta ang panawagan ni Cabral at grupo nitong Doctors for Public Welfare na ipatigil na ang imbestigasyon ng PAO hinggil sa kontrobersya sa dengvaxia.
Ayon kay Acosta, ang eksaminasyon ay isinasagawa ng PAO forensic doctors alinsunod sa hiling ng mga magulang na nais malaman ang tunay na sanhi ng kamatayan ng kanilang mga anak na binakunahan