Tinawag na ‘wow mali’ ng Public Attorney’s Office (PAO) ang pagbuhay ng Department of Justice (DOJ) sa dati nang naibasurang kaso laban kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino.
Ayon kay Atty. Persida Acosta, Hepe ng PAO at nagsilbing abogado ni Marcelino sa kanyang kaso, posibleng hindi alam ng piskal sa DOJ na dininig na ng QC RTC ang kaso noon ni Marcelino at idineklara nang walang sapat na ebidensya upang idiin siya sa kasong may kinalaman sa illegal drugs.
Bahagi ng pahayag ni PAO Chief Atty. Persida Acosta
Ayon kay Acosta, shotgun method na ang gagawin nila upang maitama ang pagkakamali ng Department of Justice (DOJ).
Ngayong hapon ay nakatakda silang maghain ng omnibus motion to suspend arraigment at issuance of warrant of arrest, motion for judicial determination of probable causes at motion to quash.
By Len Aguirre | Ratsada Balita