Nakaalerto ang buong puwersa ng PAO o Public Attorneys Office laban sa tanim laglag bala scam sa NAIA.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Atty. Persida Rueda-Acosta, pinuno ng PAO matapos bigyan ng ayuda ang mag-asawang senior citizens na pinakabagong biktima ng nasabing scam.
Nanawagan si Acosta nang pakikiisa ng lahat para tuluyang masugpo ang nasabing anomaly.
Bahagi ng pahayag ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta
New victim
Kumbinsido ang PAO na tanim bala ang nangyari sa mag-asawang senior citizens na paalis sana patungong Amerika.
Binigyang diin sa DWIZ ni Atty. Persida Rueda-Acosta, pinuno ng PAO na nakapagtataka sa ikatlong screening pa nakita ang naturang bala.
Hindi man lamang aniya naisalang-alang ang pagiging senior citizens ng mag-asawa lalo na ang babaeng biktima na si Salvacion Cortabista na naka-wheel chair pa.
Bahagi ng pahayag ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta