Nanindigan ang Public Attorney’s Office o PAO na ang natagpuang bangkay sa Gapan City, Nueva Ecija ay ang nawawalang 14 anyos na si Reynaldo de Guzman alyas Kulot.
Aminado si PAO Chief, Atty. Persida Acosta na sa pagtatanong nalang din ng media nila nalamang ang latest development na ito mula sa P.N.P.
Gayunman, pinanghahawakan anya ng PAO ang personal na pag-kilala ng mga magulang ni alyas Kulot sa narekober na labi nito sa Gapan.
Kinuwestyon naman ni Acosta kung sino ang humiling sa P.N.P. para magsagawa ito ng DNA testing sa labi ng binatilyo dahil sa kanyang pagkakaalam, walang permiso o hindi ito ipinaalam sa mga magulang ni De Guzman.
Nauna ng inihayag ng pambansang pulisya na batay sa kanilang findings sa DNA examination ay hindi umano kay Kulot ang pinaglalamayan ngayon ng pamilya nito sa Cainta, Rizal.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE