Lusot sa isyu ng smuggling sa Bureau of Customs o BOC si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Matatandaang inuugnay ni Senador Antonio Trillaness IV si Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio sa smuggling activity sa Customs.
Ito ang kinumpirma ni Senador Richard Gordon na siyang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Gordon, malilinis ang pangalan ng bise-alkalde sa kanilang ilalabas na preliminary committee report ngunit hindi naman tinukoy kung kasamang makalulusot sa kontrobersiya si Carpio.
Sinabi naman ni Gordon na irerekomenda ng komite na makasuhan ang ilang opisyal ng Customs dahil sa lumusot na kargamento ng iligal na droga.
—-