Kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 si Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte.
Ayon kay Sara, hindi pa niya nakakausap ang kaniyang kapatid dahil nito lamang linggo nagpositibo sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction o RT-PCR test ang kaniyang kapatid.
Dasal naman ni sara ang agarang paggaling ni Pulong na ngayon ay nakaisolate sa isang ospital habang naka-under home quarantine naman ang kaniyang pamilya.— sa panulat ni Angelica Doctolero