Binuweltahan ni Dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte si Communist Party Founder Jose Maria Sison matapos tawaging protektor ng illegal drugs ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyng facebook post, kinumpirma lamang ng pahayag ni Sison na tila nawawala na ito sa kanyang sarili.
Pinuna ng batang Duterte na inuulit lamang ni Sison ang matagal nang tsismis na anyay ipinakalat ng isang anti Duterte senator na matindi rin ang galit sa mga komunistang tulad ni Sison.
Sa kabuuan, sinabi ni Duterte na isang malaking kahihiyan para sa Pilipinas si Sison, ang anyay kinikilalang ama ng pinakamatandang terror group sa southeast.