Inaasahang lalakas pa ang bagyong Paolo na may international name na Lan at posibleng maging supertyphoon sa loob ng 48 na oras.
Ito ang naging pagtaya ng United States Joint Typhoon Warning Center o JTWC.
#Typhoon #Lan intensifying east of the #Philippines on its march toward Japan. #JTWC expect a super typhoon within 48 hrs. (JMA Himawari) pic.twitter.com/28RwurZKoF
— NASA SPoRT (@NASA_SPoRT) October 18, 2017
Sa monitoring ng PAGASA, napanatili ng bagyong Paolo ang lakas nito na huling namataan sa layong 945 kilometro silangang bahagi ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging papalo sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 145 kilometro kada oras.
Inaasahan namang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa araw ng Linggo.
Tinatahak ng bagyong Paolo ang direksyong pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Tungong Japan ang bagyo at hindi naman inaasahang magla-landfall sa Pilipinas.
Samantala binabantayan pa rin ang Low Pressure Area sa kanlurang bahagi ng Puerto Princesa City Palawan na may layong 185 kilometro kada oras
Dahil sa dalawang weather system pinalalakas nito ang ulan sa bahagi ng Kabisayaan, Mindanao, Zamboanga Peninsula, ARMM, bahagi ng Palawan, Bicol Region at MIMAROPA.
—-