Itatampok ng Manila Cathedral ang mga Memorabilia mula sa 3 Santo Papa sa kanilang pagbisita sa bansa sa isang exhibit mula June 29.
Sa official facebook page nito, inihayag ng Manila Cathedral na ang eksibit, ay ginanap bilang paggunita sa Solemnity of Saints Peter and Paul, ay magtatampok ng mga koleksyon mula sa mga pagbisita ni st. Paul VI, ST. John Paul II at Pope Francis.
Ang exhibit ay magbubukas ng 5:30 P.M. sa June 29 at susundan ng 6pm Pope’s day mass na pangungunahan ni Papal Nuncio to The Philippines Archbishop Charles Brown.
Kabilang sa mga bagay na itatampok sa exhibit ay ang larawang ibinigay ni St. Paul VI sa Apostolic Nunciature, ang upuan na ginamit ni St. John paul II at ang missal na ginamit ni Pope Francis.
At ang panghuli, ang Pope Mobile mula sa Isuzu Gencars Inc na ginamit sa state at pastoral visit ni Pope Francis sa mga Papal events nito sa Pilipinas noong January 2015.
Ang exhibit ay naka-display sa blessed souls chapel ng katedral hanggang Linggo, Hulyo 2.