Iminumungkahi ng isang infectious disease specialist ang pagkakaroon ng backup recipient para sa bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, infectious disease specialist ng San Lazaro Hospital, posibleng masayang ang maraming dose ng bakuna kontra COVID-19 kung mabibigong dumating sa kanilang schedule ng pagpapaturok ang mga recipient nito.
Dahil dito sinabi ni Solante na mas makabubuti kung may naka stand-by nang recipient sakaling hindi dumating ang mga nakatakdang turukan ng bakuna.
Binigyang diin ni Solante, napakahalaga ng bawat dose ng available na bakuna kontra COVID-19 kaya hindi dapat ito masasayang.
Aniya, maaaring ibigay sa apat hanggang limang recipients ang isang vial ng COVID-19 vaccine.