Pinulong ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ang mga regional director dahil sa banta ng Low Pressure Area sa Mindanao.
Ayon kay Tulfo, kailangan maging handa upang mabilis na makapagpaabot ng tulong sa mga mapipinsala ng pag-ulan at pagbaha.
Para mas makapaghanda, humingi pa ang DSWD ng update mula sa PAGASA para sa epekto ng pag-ulan na mararanasan sa Mindanao at ilan pang bahagi ng bansa.
Maliban dito, mayroon ding shearline na magdadala ng pag-ulan sa Northern Luzon.
Kasunod nito, inilagay sa red alert status ni secretary Tulfo ang mga lugar na maaapektuhan ng LPA
Kinansela na rin ng kalihim ang mga day-off ng mga tauhan ng DSWD sa mga lugar na puwedeng magpaulan bunsod ng LPA.
Ani Tulfo, dapat agarang magpadala ng tulong sa mga posibleng maapektuhan ng sama ng panahon.
Mahalaga aniya ang kahandaan lalo na’t malaki ang inaasahan ng publiko sa DSWD maging sa Marcos administration.