Kumpirmadong may papel ang Amerika sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao.
Mismong si US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang nagkumpirma, pero iginiit nito na ito ay nasa legal framework ng Estados Unidos at Pilipinas.
Ayon kay Goldberg, nagkaroon ng kooperasyon at kasunduan at ang ginawa ng Amerika alinsunod na rin sa hiling ng Philippine Government.
Bukod dito, may kasunduan aniya ang US sa PNP partikular sa Special Action Force kaugnay ng international terrorism sabay giit na walang partisipasyon ang Amerika sa pagplano at implementasyon ng misyon sa Mamasapano.
Ipinabatid ni Goldberg na casualty evacuation ang pisikal na papel ng bansa sa Mamasapano operation.
By Meann Tanbio