Binigyang pagkilala ni Senadora Grace Poe ang ginagampanang papel ng kabataan sa lipunan.
Ito ang inihayag ng Senadora sa kaniyang talumpati sa harap ng 1,500 kabataan kasabay ng International Youth Day ngayong araw.
Sinabi ni Poe, kailangan bigyan ng kaukulang pansin ang kabataan na siyang potensyal na magpasimula ng ganap na pagbabago tulad na lamang ng mabilis na takbo ng teknoloniya partikular na ang internet.
Hinamon pa ng Senadora ang mga kabataan na magsalita sa kung ano ang nakikitang tama at sabihin kung ano ang nakikitang mali sa sistema ng gobyerno.
Kasunod nito, hiningi rin ni Poe ang suporta ng mga kabataan para sa ganap na pagbabago ng bansa.
By Jaymark Dagala