Nais paimbestigahan ni Senator Nancy Binay ang P50,000 halaga na gustong ipataw ng telecommunications companies sa mga subscribers nito na tumatanggi sa paperless billing.
Ayon kay Binay, sinisingil umano ng dalawang main telecommunication companies sa bansa ang mga subscribers nito na nais pa rin ang nakasanayang paper billing.
Dagdag pa ni Binay, kung mayroong apat na milyong postpade subscribers ang isang telco at ang kalahati nito ay nais pa rin ang paper billing halos aabot sa 100 milyon buwan-buwan ang kikitain ng mga kumpanyang ito sa pagsingil pa lang sa paper billing.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay ilang telcos na ang gumagamit na ng digital billing mula sa paper billing.
—-