Halos sigurado na ang pagiging paperless ng Kamara ngayong 18th congress.
Ipinabatid ito ni House Senior Deputy Majority Floor Leader Jesus Crispin Remulla matapos aniyang aprubahan ‘in principle’ ni Speaker Alan Peter Cayetano ang planong gawing digitizes ang trabaho sa mababang kapulungan.
Sinabi ni Remulla na ang pinag-aaralan na lamang ngayon ay kung paano ang magiging sistema o set up at ang pondong ilalaan sa pagiging paperless ng mga transaksyon sa Kamara kung saan malaki ang matitipid at mapapabilis ang pagpapalabas ng impormasyon hinggil sa mga nagawa ng Kamara.
Bahagi ng plano na bigyan ng tablets ang mga kongresista na magagamit nila sa pagpapadala ng kopya, tracking o paghahanap at pag alam ng estado ng mga panukalang batas at resolusyon.
Nilinaw naman ni Congressman Wilter Wee Palma na uubra pa ring mabigyan ng hard copy o bills at resolutions ang mga kongresista na technology challenged o hindi nakakasabay sa millenials.