Hindi pa man nakababawi mula sa pagtama ng 7.5 magnitude na lindol noong Pebrero 26, muling niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Papua New Guinea.
Batay sa ulat ng United States Geological Survey o USGS, unang naramdaman ang 6.7 magnitude na lindol sa Papua New Guinea dakong alas-10:13 kagabi, oras sa Pilipinas.
Nakita ang sentro nito sa layong 130 kilometro silangan hilagang silangan ng Lake Murray at may lalim na 30 kilomtero.
Sinundan naman ito ng 5.1 magnitude na lindol dakong alas-10:50, oras sa Pilipinas.
Hindi naman nabatid kung nakapagdulot ang mga nasabing lindol ng mga panibagong pinsala sa Papua New Guinea.
—-