Niyanig ng magnitude 7.5 na lindol ang Papua New Guinea.
Ayon sa US Geological Survey, sumentro ang lindol sa may 89 kilometro ng southwest ng Porgera sa Pacific Island nation.
May lalim ito na tatlumpung (30) kilometro na naramdaman sa malaking bahagi ng bansa.
Wala namang banta ng tsunami na itinaas sa lugar.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad kung may mga nasawi sa lugar.
—-