Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Papua New Guinea.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 230 kilometro ng New Britain.
Wala namang napaulat na napinsala sa pagyanig.
Maliban dito, wala ring ipinalabas na tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center matapos ang paglindol.
—-