Isang magnitude 6.3 na lindol ang tumama malapit sa Lorengau, Papua New Guinea.
Ayon sa United States geological survey, may lalim itong 10 kilometro o 6.21 miles.
Sa preliminary assessment ng USGS, sinabi nito na mayroong mababang posibilidad ng casualties at pinsala matapos ang lindol.
Wala namang inilabas na tsunami warnings kasunod ng naganap na pagyanig.