Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang karagatang sakop ng Papua New Guinea.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 100 kilometro timog kanluran ng bayan ng arawa sa Bougainville Island.
May lalim ang lindol na 32 kilometro at naramdaman hanggang sa 92 kilometro ng timog kanluran ng Panguna.
Wala namang ipinalabas na tsunami alert ang Pacific Tsunami Warning Center sa Hawaii.
By Ralph Obina