Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Papua New Guinea.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 83 kilometro timog ng Coastal City ng Wewak at may lalim na 112 kilometro.
Gayunman, wala namang naitalang napinsala sa naturang pagyanig at wala ring ipinalabas na tsunami warning ang mga awtoridad.
—-