Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Papua New Guinea ngayong araw.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong isandaan at dalawamput walong (128) kilometro silangan ng isla ng New Britain at may lalim na tatlumput tatlong (33) kilometro.
Wala namang ipinalabas na tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center kaugnay ng naturang pagyanig.
- Ralph Obina