Niyanig ng malakas na lindol ang bansang Papua New Guinea.
Mag-a-ala-7:00 kagabi, oras sa Pilipinas nang tamaan ng magnitude 7.9 ang baybayin ng Papua New Guinea o sa bahagi ng Pacific Ocean.
Natunton ang sentro ng payanig, 46 na kilometro, Silangan ng Taron.
Bagaman naglabas ng Tsunami warning, inalis naman ito makalipas ang mahigit isang oras.
Samantala, agad namang nagsilikas ang mga residente patungo sa matataas na lugar dahil sa takot na hampasin ng naglalakihang alon.
By: Drew Nacino