Niyanig ng malalakas na aftershocks ang Papua New Guinea, isang linggo matapos itong tamaan ng 7.5 magnitude ng lindol na kumitil sa 31 katao.
Ngayong araw na ito, tatlong aftershocks na lampas sa magnitude 5 ang tumama sa bulubunduking Southern Highlands.
Ayon kay William Bando, Provincial Administrator ng Hela Province, halos hindi sila nakatulog dahil sa halos magdamagang pagyanig.
Sa lakas aniya ng pag-uga ng lupa ay halos tumilapon sya mula sa kama.
Sinasabing libo-libong katao pa rin ang nangangailangan ng humanitarian aid sa nasabing lugar.
—-