Ipinaalala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga biyahero na ipinagbabawal sa barko o anumang vessel ang pagdadala ng kahit anong paputok o pailaw ngayong Holiday season.
Ito’y ayon kay PCG commandant, admiral Artemio Abu, ay alinsunod sa utos ni transportation secretary Jaime Bautista na tiyaking maayos at ligtas ang biyahe ng mga pasahero.
Naka-full alert din aniya ang PCG dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero.
Una nang kinansela ang leave vacation ng mga tauhan ng coast guard upang mas mabantayan ang mga daungan.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang PCG sa lahat ng mga may-ari ng barko para sa mas mahigpit na seguridad. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla